Patawad

Sa bawat pagbagsak sa lupa ng ulan…

 Ay ang pagpatak ng tubig sa aking mga mata…

 Dahilan ng ibat ibang emosyon…

Na ngayon sa puso ko’y nadarama…

 Hindi ko malaman kung ako ba’y natutuwa…

O ako ba’y nasasaktan na ika’y muling makita…

Mga ngiti at tawa mo sa piling ng iba…

 Habang ako ay nag-iisa at nagdurusa…

Alam ko kung ano ang iniisip mo…

Na sa bawat pagsasama natin ay ako ang nagloko…

Na walang araw na minahal kita at ako’y nagseryoso…

 Patawad dahil mali ang inakala mo…

Hindi sa sinisisi kita o ano…

Dahil aaminin ko…

Maling mali ang paraan na pinili ko…

daan sa kung paano ang lahat ng ito…

ay nawasak at tuluyang tinapos ko…

Patawad dahil nakilala mo ako…

 Lalong lalo na sa mga pasakit na idinulot ko …

 Naging pabigat at alalahanin mo lamang ako…

 Na dapat ako ang tumulong upang hindi mawala ang salitang tayo .

Tayo… ikaw lang at ako…

Kay sarap pakinggan ang dating pangakong nasubaybayan

ng libo libong bituin sa kalawakan…

habang lumilipad ang mga mumunting alitaptap

ang sarap pakinggan… ngunit kay hirap balikan …

Na sa buhay mo ngayon ..

Ikaw at ako ay tapos na…

At ngayon may mahal ka ng iba…

kaya tigil na… tama na…

Patawad…  Dahil hindi ako naging tapat…

Hindi ko sinabi ang totoong dahilan..

patawad … dahil wala akong lakas ng loob upang ipagtapat…

na sa bawat pagsasama natin…

oras ko’y nabibilang at nababawasan..

patawad… dahil naging makasarili ako…

 gusto kong sarilihin ang sakit sa puso ko

na unti unting pumapatay sa pagkatao ko…

 patawad… dahil hindi ko sinabi sayo…

hindi ko sinabi sayo…

dahil ayoko sa bandang huli ay malungkot ka sa pagkawala ko…

Mas pipiliin kong masaktan kaysa sa ikaw ang magdusa…

dahil ganuon kita kamahal…

patawad… dahil sa huling hininga ko …

pagmamahal ko sa iyo ay di mo na maririnig kailanman…

ngunit ito ang laging tatandaan…

Ikaw lang minahal ko at mamahalin ko magpakailanman …

( Note: Hi guys! So it’s one of my works written in tagalog. So if you have any comments or suggested topics, just comment down below and I’ll gladly read it. Thanks 🙂 )

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s